Lunes, Setyembre 14, 2015

Demand at Supply

Demand- tumutukoy ito sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon


Kaugnayan ng Demand sa Presyo ng Kalakal at Paglilingkod
Ang kurba ng demand ay pabulusok kapag mababa ang halaga ng produkto maraming konsyumer ang makabibili kaya’t maraming produkto at serbisyo ang mabibili. Subalit kapag ang presyo ay mataas , mababa ang kakayahang makabili o hindi na makabili ang maraming konsyumer.Kapag mababa ang presyo malaki ang demand, subalit kapag mataas ang presyo ay nanaisin na lamang na bumili ng alternatibong pamalit.

Iskedyul ng demand- ito ay isang talaan na nagpapakita ng bilang ng isang produkto batay sa inilaang presyo.
Kurba ng Demand-
 ito ay isang grapikong paglalarawan ng presyo ng bilihin at demand.

Elastisidad ng Presyo ng Demand-
pagsukat sa bawat pursyentong pagtugon ng dami ng demandsa pagbabago ng presyo.

Suplay- ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyon na nais at handing ipagbili ng mga negosyante sa pamilihan sa magkakaibang presyo sa isang takdang panahon.

Iskedyul ng Suplay- ang talaan na nagpapakita ng relasyon sa pagbabago ng presyo at pagbabago ng suplay.

Kurba ng Suplay- grapikong paglalarawan ng relasyon sa pagbabago sa presyo ng suplay.

Kaugnayan ng suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod
Kapag mataas ang presyo ng isang bilihin tataas ang dami ng produktong handing ipagbili sa isang takdang panahon. Kapag mababa ang isang presyo ng bilihin, bababa rin ang presyo ng produktong nais ipagbili sa isang takdang panahon.

Mataas na Presyo sa WESM, Maintenance

ng Malampaya


Noong Hunyo lamang ay lubhang nagmahal ang presyo ng elektrisidad matapos tumaas ang halaga ng bentahan ng kuryente sa WESM noong Mayo 2012.
Maaasahan pa rin ng karaniwang mamamayan ang lalong pagmamahal ng kuryente pagdating ng katapusan ng Hulyo, ang buwan na paggagamitan ng nabiling kuryente noong Hunyo. Ang presyo ng kuryente sa WESM noong Hunyo ay halos kasintaas lang rin ng presyo ng nakaraang buwan.
Bukod rito, magsasara rin ng pansamantala ang Malampaya Natural Gas Facility mula Hulyo 12 hanggang 21, ang pangunahing pinanggagalingan ng supply ng fuel para sa mga electric generation plant sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Dahil rito, ang mga power plant na umaasa sa Malampaya ay mangangailangang gumamit ng iba – at mas mahal – na fuel para masigurong may sapat na supply ng kuryente para sa merkado. Inaasahang magdudulot ito ng lalong pagtaas ng presyo ng kuryente ngayong buwan.

Pag-asa mula sa mga Hydroelectric Plant




Ang Malampaya Natural Gas Facility sa Palawan
Bagamat may kakulangan ng supply ng natural gas, malaki naman ang pag-asang kayang makapagdagdag ng supply ng kuryente ang sari-saring mga hydroelectric plant sa bansa.
Dahil ang 2012 ay taon ng La Nina, inaasahang hindi bababa ang water level ng mga hydro plant, na karaniwang ginagamit tuwing nanganganib na magkulang ang reserba ng kuryente.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento